28 ng Nobiyembre sa Ateneo de Manila University, habang naglalakad sa campus sina MG at Gail...
MG: (...madapa-dapa sa kanyang tall shoes) Saan ba yon?
Gail: Hindi ko din alam
~Nakakita ng isang estudyante na naghihintay ng trike...
Gail: Ah, excuse me, do you know where the college of humanities is?
Student: Do you see that statue over there? (Sabay turo kung saan nakalagay ang statue)
Gail: (Tumingin sa direksyon ng kamay ng estudyante at sabay tumango) ah... yes.
Student: The building behind that is the college of humanities.
Gail: (nakatingin sa malayo) Ok thanks!
MG: (Nakahabol na rin at di nadapa sa kanyang tall shoes!) Nakita mo ba yung statue?
Gail: Hindi
MG: (Sa kanyan high-pitch tone at gulat na gulat) Ha?! Eh bakit ka u-mo-o sa babae nung tinanong niya kung nakita mo yung istatwa?!
Gail: Eh basta, dun na lang ako sa general direction ng kanyang kamay susunod, para hindi na ako malito kahahanap ng statue!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment