Saturday, February 28, 2009

Friday, February 27, 2009

our office's version of "bluffers"

meron akong naging officemate na, sa pagkakakwento lamang sa akin, ay hirap mag pronounce ng iilang mga salita. ito ang ilan sa mga salitang kanyang nami-mispronounce:

job OWfer - ang binibigay sa iyo ng isang kumpanyang ina-apply-an mo ng trabaho

brother in LOW - ang tawag mo sa lalaking napangasawa ng kapatid mo

STROWBRI - isang uri ng prutas

class FICHUR - larawan mo at iyong mga kaklase sa paaralan

antabayanan ang mga susunod pang blunders, i.t. style.

Illiterate

We were driving in through sa guardhouse papasok sa isang client company...

Inigo: Bosing, may appointment kami with Mr. X ng 9am.

Guard: Pahingi na lang po ng ID.

Inigo: (Bigay ng company ID)

Guard gets my ID and goes back to the guardhouse to call Mr. X to confirm our appointment. After 2 minutes, walks back to our car.

Guard: Ano po company niyo?


Hindi ba prerequisite sa mga sekyu ang literacy? (hahaha)

This happened several times. And with the same company. With the same guard.

february sale

Magka-chat kami ni Erynn sa Gmail at pinag-uusapan namin ang shoes at sale, ito ay habang nagpi-print ako sa printer ni Cheanne ng documents na kailangan sa department meeting namin.

Raissa: Cheanne, nag-sale na ba yung piniprint ko?

Napatingin sa akin si Cheanne pero alam mo nasa kabilang universe ang diwa (mukhang nakikinig pero nakatulala).

Raissa: Ay dapat pala ang tanong ko, "nag-print na ba yung piniprint ko", hindi "nag-sale".

Cheanne: Ano yun ulit? Sorry.

hit me baby one more time

Erynn: Uy sabihin mo sa akin pag nag-sale ulit yung magazines sa office nyo ha?

Raissa: Oo naman. Bibilhan na kita kaagad ng Preview.

Erynn: May gusto din akong magazine na ipabili. Yung si Britney Spears and kow-ver.

Tuesday, February 24, 2009

e-mail address

Kanina nagpunta ako ng Post Office (Phil-Post), may mga ihuhulog ako na card at documents na kailangan ipadala. Pagdating ko dun konti lang ang tao, at mga dalawang tao lang ang nakapila sa Window 2 (stamps). Nung yung babae na nasa harapan ko ang nasa window, may short brown envelope siya na binigay dun sa PhilPost staff sa window. Ibinalik nung staff yung envelope dun sa babae:

PP Staff: Ano yung address? Pang-internet yang address na nilagay mo.
H: [sinilip yung nakasulat sa brown envelope, aba e-mail address ang nilagay nya!]
Babae: [Pinakita yung business card na kinokopyahan niya ng address] Ito po nakalagay dito.
PP Staff: Eh e-mail address yan. Sa internet lang pwede yan. [Tiningnan yung card]. Eh ayan nakalagay naman dyan yung address [tinuro yung card ulit], ito ang ilagay mo na address.
Babae: Eh may brown envelope po kayo?

Friday, February 20, 2009

and still more U-A problem

Sa isang presentation pa rin, dinidiscuss ni presenter ang diary.

Presenter: This will provide back-ap to the findings of the FGD.

Hehe.

Thursday, February 19, 2009

Matutuloy din yan...

(Qual-Quant ito)

For a time, merong kaming monthly lunch/dinner nina Ai & Dana. After about a year, medyo hindi na natutuloy dahil sa busy skeds. This Feb, nagkataon na may free date na available lahat, so a date was set a few weeks in advance. Pero at the last minute, biglang hindi pwede si Dana.

(sa text)
INIGO: Orayt, may emergency daw si Dana. Postpone muna... ulit. :(

AI: Matutuloy din ito. Wag lang next week. :)

Tawerwerwerwerwer.

Tuesday, February 17, 2009

consumpt-ion

Sa presentation ng research findings, maraming nagising ng narinig ito:

Presenter: Let's now go to the consumption habits of young adults... Minsan nagco-consumpt din sila ng chips.

At hindi pa nagtatapos diyan ang bluffer ni Presenter. Twice niya inulit ang bagong word na "consumpt".

Masaya talaga sa Market Research.

move over P&F and B&V, here comes A&U

Nasa proposal presentation ako kung saan nagpe-present ang isang agency ng proposal nila (duh!).

Nag-uusap kami tungkol sa taste evaluation part ng FGD...
Male: [Plastic] Cups tayo dito, noh?
Presenter: Yes, caps.

At nang dumating kami tungkol sa possible inclusions ng rider questions...
Presenter: We can also explore the current communication for *** as a fan drink.

Monday, February 16, 2009

HSM or Camp Rock

Kasama ko ang mga college buddies ko sa SM Supermarket, nag-grocery kami para sa baon namin papuntang Clark kinabukasan.

Honey: Sino yung kumakanta? (Referring to the music played at the supermarket)
M: Jonas Brothers yan.
Honey: Aba! Maka-Jonas Brothers ka ha.
M: Gusto ko rin sila.
Honey: Eh bakit parang kaboses ni Taylor Swift? Sure ka Jonas Brothers yan?
M: Oo, yan yung kanta dun sa High School Rock, napanood ko yun.
R: High School Rock? Baka Camp Rock.

Saturday, February 14, 2009

Whatever, Yaya, Whatever!


Raissa: Fine! [making a 'w' sign with her fingers]

Honey: Fine daw tong sign! [making a 'w' sign with her fingers]

Honey to Erynn: I-post mo yung picture na yun na may 'BUBBLE... THOUGHT' si Raissa!

Bakit naka-nganga ang babae pag nagmamaskara?

Erynn: Sabi ni Duds, ang mga babae pag-nagmamascara nakanganga.
Raissa: Ako pag-nagmamascara, hindi ako naka-baba-eh.

Pronouncing 'Statue'

Si MG re-enacting Gail:

MG: Sabi ni Gail, "Can you see the stay-tue over there?"

Stay-tue daw ang statue!

10,000 won vs 1,000 won

Honey: Ipaalala nyo tataya ako sa lotto.
Raisssa & Erynn: Oo! kami din!
Raissa: Ako ang mananalo!
Honey: Feeling mo!
Raissa: Huwag ka mag-aalala, bibigyan kita ng Php 1,000.
Honey: Hindi ka mananalo, kasi ganun lang ang ibibigay mo sa akin.
Erynn: Ako bibigyan kita ng 10,000 Won.
Raissa: Oh ha, mas malaki pa ang 1,000 Won kesa 10,000 Won.

ingrata

Raissa to MG: Niregaluhan namin si Honey ng bag tapos wala man lang 'thank you'.
Honey: Nag-thank you kaya ako, noh!
Erynn: Hindi kaya!
Honey: Nag-thank you ako! Ang kapal ng mukha niyo.
Erynn and Raissa to MG: See!


Five minutes later...
Honey (in a threatening voice): Papadalan ko kayo ng thank you card.

CamSur

Honey: Yung friend ko, nasa CamSur na.
Erynn: CamSur, ano yun? (clueless)
Honey: Camarines Sur sa Bicol!
Erynn: Akala ko Chinese, Japanese, or Korean company!

chicken iced tea

MG: Ano bang masarap na inumin dito sa Blenz?
Raissa: Strawberry Shaken Iced Tea.
Honey: Chicken Iced Tea?
Raissa: Shaken hindi Chicken
Honey: Eh yun ang dinig ko eh. Chicken.

Assist me...

E: Ano nga yung tawag sa mga nag-aassist sa'yo sa parking?

HL: Assistant! Duh!

honeylette: the return of the comeback

winter sonata

Erynn: Nung nasa winter kami sa Shanghai, petroleum jelly lang ginagamit ko.
Raissa: Nung nasa winter ka?
Erynn: Ay, nung nasa Shanghai kami nung winter... Hahaha.

can i borrow?

Raissa: Miss pwede bang malaman yung password ng wifi nyo?
Miss: Coffeebean lang...
Honey: Ano yung sinabi mo sa Miss? Pahiram ng boyfriend nya? Hahaha

Thursday, February 12, 2009

in the tune of...

Erynn: Maganda kaya 'yang 'When I Met U' nila KC?

MG: Paano kantahin yan? "When I Met Youuu..."

[MG singing in the tune of 'Till I Met You.']

Tuesday, February 10, 2009

Bear-y good

MG: May mga ganoong tao talaga no? [habang nakatingin sa mga care bears]

E: What do you mean?

MG: Parang ako, grumpy bear!

E: Hahaha! Tama ba namang i-compare ang sarili kay Grumpy bear! Hahaha!

Sunday, February 8, 2009

10

BOI: pahinging barya? [para sa nag-assist sa parking]

MG: Kuya Boi, wala akong alas-10!

BOI: sampung piso ang kailangan ko, ano ba?