Kanina nagpunta ako ng Post Office (Phil-Post), may mga ihuhulog ako na card at documents na kailangan ipadala. Pagdating ko dun konti lang ang tao, at mga dalawang tao lang ang nakapila sa Window 2 (stamps). Nung yung babae na nasa harapan ko ang nasa window, may short brown envelope siya na binigay dun sa PhilPost staff sa window. Ibinalik nung staff yung envelope dun sa babae:
PP Staff: Ano yung address? Pang-internet yang address na nilagay mo.
H: [sinilip yung nakasulat sa brown envelope, aba e-mail address ang nilagay nya!]
Babae: [Pinakita yung business card na kinokopyahan niya ng address] Ito po nakalagay dito.
PP Staff: Eh e-mail address yan. Sa internet lang pwede yan. [Tiningnan yung card]. Eh ayan nakalagay naman dyan yung address [tinuro yung card ulit], ito ang ilagay mo na address.
Babae: Eh may brown envelope po kayo?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
Utang na loob, ipasok nyo na yan sa loob ng mental. Now na!
Grabe HL, tinalo ka! May mas adik pa pala sa iyo.
adik ka raissa!!!
pero kanina feeling ko nagka-bubble gang moment ako... hahahaha
Sana pala nagsuggest ka sa kanya sinabi mo, "Ate try mo sa LBC baka tinatanggap nila". Hahaha
Post a Comment