Friday, January 9, 2009

Estat-U?

28 ng Nobiyembre sa Ateneo de Manila University, habang naglalakad sa campus sina MG at Gail...

MG: (...madapa-dapa sa kanyang tall shoes) Saan ba yon?

Gail: Hindi ko din alam

~Nakakita ng isang estudyante na naghihintay ng trike...

Gail: Ah, excuse me, do you know where the college of humanities is?

Student: Do you see that statue over there? (Sabay turo kung saan nakalagay ang statue)

Gail: (Tumingin sa direksyon ng kamay ng estudyante at sabay tumango) ah... yes.

Student: The building behind that is the college of humanities.

Gail: (nakatingin sa malayo) Ok thanks!

MG: (Nakahabol na rin at di nadapa sa kanyang tall shoes!) Nakita mo ba yung statue?

Gail: Hindi

MG: (Sa kanyan high-pitch tone at gulat na gulat) Ha?! Eh bakit ka u-mo-o sa babae nung tinanong niya kung nakita mo yung istatwa?!

Gail: Eh basta, dun na lang ako sa general direction ng kanyang kamay susunod, para hindi na ako malito kahahanap ng statue!


Thursday, January 8, 2009

Kw... Kwi...

Sa loob ng bagong renovate na French Baker sa SM Megamall habang nag-iisip ng order...

Rais (kausap si Toni, MG at E): Uy, anong order n'yo? Masarap ba yung KWISH?

Rais, referring to QUICHE.

Word of the day

Habang naglalakad sa may SM Megamall Atrium...

Rais: Uy sis, parang ang sarap noon oh! (sabay turo sa poster sa labas ng Dairy Queen) Dairy Queen Peppermint Chip Blizzard, parang ang sarap niyan!

E: Ay, oo nga! Noong December ko pa gustong i-try yan!

Rais: Uy, hanggang YULEETIDE na lang daw!

E: Ulit nga, hanggang kailan?

Rais: YULEETIDE na lang daw.

E: Wahahaha!

Monday, January 5, 2009

Alam mo ba yun?

MG, nagbibigay ng directions kay Kuya Boi para sa venue ng IDI...

BOI: Ah, sa UP ba?

MG: Oo.

BOI: Malapit sa stoplight?

MG: Oo.

BOI: Bahay ba yan?

MG: Hindi. Opisina 'to.

BOI: Saan ba yun?

MG: sa CHED.

BOI: Ah! Sa CHED!!!

MG: Alam mo yun?

BOI: Hindi.

Hahaha! Sa CHED nga!

first entry for 2009

Nakita ko sa classified ads:


Tuesday, December 30, 2008

Word of the Day

Nagkwekwento ng mga [mis]adventures sa HK-Macau trip sina Rais at HL kina Ai, Berna, Berto, Dana at E [uy, special mention, may kasamang pagbati! hehehe]...

Rais: Pwede naman pa lang sumakay sa mga shuttle ng mga hotel!

HL: Oo nga! Pwede namang sumakay sa SHOTEL!

SHOTEL daw o!

Saan daw?

Berna: Nagpapa-Belo ka pa ba?
HL: Oo.
Berna: Dito ba?
HL: Oo, dito sa Alabang.

Take note, nasa Podium, Ortigas kami nang sabihin ni HoneyLetteRS ito!